Salamat Po, Ka Eduardo

B Bernard F. Asuncion Bernard F. Asuncion
0 Altın Yaprak
Salamat po, Ka Eduardo, Sa inyo pong pagmamahal; Inaakay n'yo ang tao Patungo sa bayang banal. Kahit mapagod, mapuyat Ay hindi n'yo alintana; Ang mahalaga'y matupad Ang tungkulin n'yo sa Ama. Ang Iglesia'y tinitipon Sa lahat halos ng dako; Panganib ay sinusuong, Iniikot itong mundo. Dama ng mga pinili Ang inyo pong pagsasakit; Kami‘y hindi masasawi, Kaligtasa'y makakamit. Walang iba pang hangarin Kundi para sa Iglesia; Nagtagumpay ang mithiin Sa inyo pong pangunguna. Sa inyong pangangasiwa, Puso po ang nangungusap; Kami ay di nagsasawa, Pagsamba ay laging hanap. Pasasakop kaming lubos Sa Lider Pangkalahatan; Kami na mga tinubos, Pagsunod ay di iiwan. Tutuparin ang tungkulin, Totoo hanggang sa wakas; Tatapusin ang takbuhin, Pag-asa namin ay wagas. Kayo po ay aming mahal, Habang kami'y may hininga; Ang inyo pong pangangaral Sa amin ay mahalaga. Dalangin namin sa Diyos, Patnubayan kayong lagi; Sa biyaya ay mapuspos, Kalusuga'y manatili. Ang Diyos ay pinupuri, Kami'y Iglesia Ni Cristo; At nagagalak po kami, Salamat po, Ka Eduardo.

Bu şiire çeviri ekle ·

Bu şiiri puanla

Henüz puan verilmemiş

Yıldıza dokunarak 1–10 arası puan ver

Yorumlar

Yorum yapmak için giriş yapmalısın.

Giriş yap

Bu şiire henüz yorum yapılmamış. İlk sen ol.

Sana daha iyi bir okuma deneyimi sunabilmek için sitemizde çerez kullanıyoruz. Kişisel verilerin KVKK ve GDPR kapsamında işlenir; hangi çerezlere izin verdiğini dilediğin zaman değiştirebilirsin.