Matapos Si Yolanda, Nasaan Na Nga Ba?

C Cynthia Buhain-baello Cynthia Buhain-baello
0 Altın Yaprak
Nasaan na nga ba, bakit walang solusyon? Nasaan ang mga candidato noong eleksyon? Baka nagka-amnesia dahilan ng bagyo Nalimot na sila ang dapat na humayo? Tumulong sa kanilang mga kababayan Bakit tila sila ngayo'y nag-aalinlangan Hindi alam ang gagawin, Subalit sa salita'y mayaman? Nasaan ang donasyon sabi ay milyon milyon? Bakit nga mga biktima namamatay na sa gutom? Nasaan ang tutulong na may dugong Pilipino? Nasaan mga politikong di makita ni anino? Sana ay lumitaw na at kumilos na agad Limutin na ang satsat, mahiya na ang huwad! Baka bandang huli kayo rin ang siyang aani Gawin ang nararapat, buhay ang iligtas...hindi salapi! All rights reserved~~ Cynthia Buhain-Baello~~~11.18.13

Bu şiire çeviri ekle ·

Bu şiiri puanla

Henüz puan verilmemiş

Yıldıza dokunarak 1–10 arası puan ver

Yorumlar

Yorum yapmak için giriş yapmalısın.

Giriş yap

Bu şiire henüz yorum yapılmamış. İlk sen ol.

Sana daha iyi bir okuma deneyimi sunabilmek için sitemizde çerez kullanıyoruz. Kişisel verilerin KVKK ve GDPR kapsamında işlenir; hangi çerezlere izin verdiğini dilediğin zaman değiştirebilirsin.