' [ Akoy's Isang Bulag, Pipi At Bingi ] '

E Ency Bearis Ency Bearis
0 Altın Yaprak
{ One of my poems in Pilipino (Tula) and posted it here per request by someone. } Minahal ba kita dahil ba sa ikaw ay isang dyamante dahil ba sa ikaw ay isang ginto dahil ba sa ikaw ay isang nakakaakit na tala - na ang mundo'y sa iyo nakatingala dahil ba sa ikaw ay isang awit - na nakakahalina sa aking kaluluwa - at sa kadahilanang kapanglawan ay aking langit - at ang awit lang ang nakakagising sa aking kaluluwa - at sa pagising taglay ang aliw Hindi lahat ng yan ay ang katwiran - dahil di ako makakita at makarinig Kung ano pa man ang dahilan - minamahal kita kahit papaano - dahil sa ikaw ay ikaw Kung ano pa man ang dahilan - ano pa man ang sinabi ng mundo - laban sa iyo, di ko pinapakinggan At ano man pa man ang iyong nakaraan - wala akong puna at masabi - dahil manhid ang aking dila At ano pa man ang iyong pinagdaanang karimlan - itago mo lang, mata ko ay di mo mapilit sumilip - at ako ay bulag sa ano man ang iyong pinagdaanan At kung ikaw ay naroroon pa rin - sa tatsulok ng karimlan - ako man ay pipi pero sasabihin ko sa 'yo - mapapakinggan mo ang aking maamong salita - ako man ay bulag, maigagabay kita - at ako ang magiging lampara mo tungo sa - kaliwanagan ng buhay na marangya Ency Bearis 2010 All rights reserved

Bu şiire çeviri ekle ·

Bu şiiri puanla

Henüz puan verilmemiş

Yıldıza dokunarak 1–10 arası puan ver

Yorumlar

Yorum yapmak için giriş yapmalısın.

Giriş yap

Bu şiire henüz yorum yapılmamış. İlk sen ol.

Sana daha iyi bir okuma deneyimi sunabilmek için sitemizde çerez kullanıyoruz. Kişisel verilerin KVKK ve GDPR kapsamında işlenir; hangi çerezlere izin verdiğini dilediğin zaman değiştirebilirsin.