Si Rizal, Bayaning Radikal
C
0
Altın Yaprak
Buo ang loob, di matinag
Ang Totoo, kanyang inihayag.
Lumaban sa paraan ng pluma
Maging ang buhay inialay niya.
Binangga ang makapangyarihan
Walang sinanto, kaparian man!
Kahit ito ang naging wakas -
Katotohanan kanyang binigkas.
Isang bayaning radikal
Sa isip, makabago si Rizal!
Noon pa man kanyang natanto
Kung paano bibihagin, Pilipino!
Sa relihiyon igagapos
Didiktahan pagkatapos,
Sunud-snuran pati gobyerno
Bubulagin ang Pilipino.
Lumaya na aking Bayan-
Hanapin ang Katotohanan!
Para sa Diyos maging radikal!
Maging tulad tayo ni Rizal.
All rights reserved ~~ Cynthia Buhain-Baello~~~11.30.13
Bu şiiri puanla
Henüz puan verilmemiş